Ang Alzheimer’s disease (AD) ang isa sa mga sanhi ng dementia, isang problema sa utak na nagpapahirap sa sinumang mayroon nito na magawa ang mga gawain sa araw-araw nang walang tulong. Para sa maraming tao, nagsisimula ang AD sa mga pagbabago sa memorya, ngunit ilan sa mga may AD ay mayroon din pagbabago sa wika, mood, o mga kasanayan sa pag iisip.
Ano ang Sanhi ng AD?
Hindi pa natutukoy ang sanhi ng AD. Alam ng mga siyentista na sa AD ay mayroong malaking akumulasyon ng mga protinang tinatawag na amyloid at tau sa mga selula ng utak. Normal na nangyayari ang mga protinang ito, ngunit hindi pa natin naiintindihan kung bakit nabubuo ang mga ito nang ganoon karami. Maaaring magpatuloy ang sakit sa loob ng maraming taon nang walang mga sintomas, ngunit habang parami nang parami ang mga protinang nabubuo sa mga selula ng utak, nawawalan ng kakayahang gumana ang mga ito at kalaunan ay namamatay. Dahil dito, lumiliit ang mga apektadong bahagi ng utak.
Ano ang Kaugnayan ng Edad sa AD?
Ang karamihan sa mga may AD ay nagsisimulang magkaroon ng mga sintomas pagkatapos ng edad na 65, bagama’t nagpakita ng mga palatandaan ang ilan sa edad na 40.
Ano ang Nangyayari sa AD?
Ang pagbabago sa memorya ang unang senyal ng AD sa marami, ngunit ang iba ay maaaring makaranas ng mga pagbabago sa mood, wika, o mga kasanayan sa pag-iisip. Halimbawa, nagkaroon ng problema ang ilang may AD sa pag-alala sa pagbabayad ng mga bayarin o pag-organisa ng mga gawain sa trabaho. Ang iba naman ay higit na nagkakaproblema sa pagpaplano, nahihirapan sa pakikipag-usap, naliligaw sa mga pamilyar na kapaligiran. Naaapektuhan din ng AD ang mood ng isang tao, at ang mga may AD ay maaaring makaranas ng depresyon, pagkabalisa, pagkapraning, o maging iritable. Tinatawag na mild cognitive impairment (MCI) ang maagang sintomas na yugto ng AD.
Unti-unting nangangailangan ang mga may AD ng karagdagang tulong mula sa iba para magawa ang kanilang mga gawain sa araw-araw. Maaaring kailanganin nila ng tulong sa pagbabayad ng kanilang mga bayarin, pamimili, pag-inom ng kanilang mga gamot, o pag-alala sa mga appointment. Sa mga kasunod na yugto ng sakit, maaaring mangailangan sila ng tulong sa pagligo at pagbibihis.
Ang AD ay sakit na nagbabago sa paglipas ng panahon. Ang isang tao na may AD ay maaaring mabuhay nang maraming taon. Iminumungkahi ng pananaliksik na maaaring mabuhay ang taong may AD mula walo hanggang 20 taon o higit pa, bagama’t maaari itong mag-iba sa bawat tao.
May mga Gamot ba sa AD?
Bagama't wala pang lunas sa AD, may mga gamot na tumutulong na mapagaan ang mga sintomas. May dalawang pangkalahatang uri ng mga gamot na ginagamit para sa AD, ang cholinesterase inhibitors (donepezil at rivastigmine, halimbawa) at isang NMDA receptor antagonist (memantine). Ang mga gamot na ito ay maaaring makatulong na mapabuti ang kognisyon, ngunit hindi nito tuluyang pinipigilan o pinababagal ang ang paglala ng sakit sa utak. Kadalasan, ang mga taong may AD ay maaaring magkaroon ng mga pagbabago sa mood, tulad ng depresyon o pagkamayamutin. Maaaring mapagaan ang mga ito ng mga gamot tulad ng mga ginagamit para sa depresyon o pagkabalisa.
Anong Ibang pang mga Bagay ang Nakakatulong?
Bukod sa mga gamot, may iba't ibang paraan para matulungan ang taong may AD. IIpinakikita ng pananaliksik na nakatutulong ang pisikal na ehersisyo para mapaganda ang kalusugan ng utak at mapabuti ang mood at pangkalahatang lagay ng katawan. Ang balanseng diyeta, sapat na tulog, at limitadong pag-inom ng alak ay iba pang mahahalagang paraan para sa mas magandang kalusugan ng utak. Dapat ding gamutin, kung mayroon, ang iba pang mga sakit na maaaring makaapekto sa utak, tulad ng diyabetes, mataas na presyon ng dugo, at mataas na kolesterol.
Mga Resource
- A Patient’s Guide to Alzheimer’s Disease (PDF)
- Noticing Memory Problems? What to Do Next
- Familial Alzheimer’s Disease
- Early-Onset Alzheimer’s Disease: A Resource List
- Alzheimer’s Association
- alzheimers.gov
- Alzheimer’s and related Dementias Education and Referral (ADEAR) Center
- Family Caregiver Alliance
- National Institutes of Health
- World Alzheimer Report
- Alzheimer’s Disease Facts and Figures in the US
- Can We Trust The End of Alzheimer's? Lancet Neurol. 2020;19(5):389-390. doi: 10.1016/S1474-4422(20)30113-7.
Mga Resource para sa mga Provider
- Alzheimer's Disease Resources for Health Professionals from the California Department of Public Health, including the:
- Alzheimer's Association's Clinical Guidelines and Recommendations
- A Healthcare Provider’s Guide to Alzheimer’s Disease (PDF)
- Diagnostic guidelines for Alzheimer’s disease (McKhann et al. 2011)
- Dementia Resources for Health Professionals from the National Institute on Aging
Lumahok sa Pananaliksik
- ADRC: New Approaches to Dementia Heterogeneity
- Alzheimer’s Disease Neuroimaging Initiative (ADNI)
- Creation of Stem Cells from Patients with FTD
- Eye Movements in Dementia
- IDEAS: Imaging Dementia – Evidence for Amyloid Scanning
- Longitudinal Early-Onset Alzheimer’s Disease Study (LEADS)
- Measuring Social Behavior in Neurodegenerative Disease
- Study to Confirm Safety and Efficacy of BAN2401 in Participants with Early Alzheimer's Disease (Clarity AD)
- Clinical trials at UCSF
- ClinicalTrials.gov