Ang frontotemporal dementia (FTD) ay grupo ng magkakaugnay na mga kondisyon na nagreresulta mula sa progresibong pagkasira ng temporal at frontal lobes ng utak. May mahalagang papel ang mga bahaging ito ng utak sa paggawa ng desisyon, pagkontrol sa pag-uugali, emosyon, at wika.
Ang ang Sanhi ng FTD?
Ang mga klinikal na sintomas ng FTD ay sanhi ng pagkasira ng mga bahagi ng utak na kumokontrol sa paggawa ng desisyon, pag-uugali, emosyon, at wika (karaniwang ang frontal, temporal, at insular na bahagi).
Ano ang Kaugnayan ng Edad sa FTD?
Sa mga pang 60 taong gulang, ang FTD ang pinakakaraniwang sanhi ng dementia at nakakaapekto sa parehong dami ng mga taong may Alzheimer's disease sa edad na 45–64.
Ano ang Nangyayari sa FTD?
May ilang uri ng FTD na humahantong sa medyo kaibang mga sintomas ng pag-uugali, wika at/o galaw. Dahil sa mga sintomas, ang mga taong may FTD ay madalas na may maling diyagnosis na Alzheimer’s disease, mga problema sa pag-iisip (tulad ng depresyon, manic na depresyon, obsessive-compulsive na sakit, o schizophrenia), vascular dementia, o Parkinson’s disease.
Mga Uri ngf Frontotemporal Dementia
Batay sa mga natatanging pattern ng mga palatandaan at sintomas, tatlong magkakaibang klinikal na sindrom ang pinagsama-sama sa kategoryang “frontotemporal dementia” (FTD):
- Behavioral variant frontotemporal dementia (bvFTD)
- Semantic variant primary progressive aphasia (svPPA)
- Non-fluent/agrammatic variant primary progressive aphasia (nfvPPA)
May pangatlong uri ng primary progressive aphasia (PPA) na tinatawag na logopenic variant primary progressive aphasia (lvPPA). Sa awtopsiya, ang mga pasyenteng may lvPPA ay madalas na matuklasang may Alzheimer's disease, hindi frontotemporal lobar degeneration (FTLD), ang patolohikong deskripsiyon ng FTD.
Ang iilang taong may FTD ay nagkakaroon din ng motor neuron disease (FTD/MND), na tinatawag kung minsan na FTD na may amyotrophic lateral sclerosis (FTD/ALS).
Ang corticobasal syndrome (CBS), na tinatawag ding corticobasal degeneration (CBD), at progressive supranuclear palsy (PSP) ay dalawang magkaugnay na sakit na hindi inuuring FTD ngunit kadalasang kapareho ng mga sintomas ng FTD.
Ang mga taong may FTD ay karaniwang unang pumupunta sa opisina ng doktor dahil sa:
- Unti-unti at tuloy-tuloy na pagbabago sa pag-uugali
Ang pinakamaagang pagbabago ay kadalasang pagwawalang-bahala sa mga sosyal na kumbensiyon, pagiging padalos-dalos, kawalan ng interes, pagkawala ng simpatiya o empatiya, paulit-ulit o mapilit na galaw, mga pagbabago sa pagkain, at mahinang pagbatid, pagpaplano, at pagtatasa. - Unti-unti at tuloy-tuloy na problema sa wika
Ang mayorya ng mga taong may isa sa mga varyant ng wika ay may mga problema sa pagpapahayag ng kanilang sarili, habang nananatiling relatibong maayos pa ang kanilang memorya. Nagkakaroon ng mga kahirapan sa pagbasa at pagsulat. - Unti-unti at tuloy-tuloy na panghihina o pagbagal ng galaw
Kadalasang inilalarawan ng mga may FTD ang pangkalahatang panghihina ng kanilang mga kalamnan o pagbagal ng kanilang mga galaw. Maaaring maramdaman nilang walang koordinasyon ang kanilang katawan o parang naglalakad sila sa tubig – mas mahirap at mas mabagal gumalaw. Maaari din silang pulikatin. Sa isang neurolohikong pagsusuri, maaari ding makakita ang doktor ng ilang pagbagal ng partikular na galaw ng mata, mga pagbabago sa mga tipikal na reflex, at paninigas ng kalamnan o pagbagal ng galaw.
Sa UCSF, nakakita kami ng maliit na grupo ng mga pasyenteng may FTD na nagkakaroon ng mga bagong malikhaing kasanayan sa musika at sining habang bumababa ang kanilang mga kasanayan sa wika.
Bagama't may iba't ibang mga sintomas ang bawat uri ng FTD, lahat ng uri ay nagdudulot ng tuloy-tuloy na paghina ng kakayahang mag-isip at gumawa, hanggang sa magdepende na ang pasyente sa mga tagapag-alaga para mairaos ang araw. Maaaring dramatiko ang pagkakaiba ng bilis ng mga sintomas at haba ng sakit sa bawat tao.
May mga Gamot ba sa FTD?
Sa kasamaang palad, wala pang paraan para maiwasan o malunasan ang pinsalang dulot ng FTD, ngunit makatutulong ang mga gamot at pagbabago sa pamumuhay na mapagaan ang mga sintomas. Higit pa rito, aktibo ang mga mananaliksik sa paghahanap ng mga bagong paggamot at pagsasagawa ng mga klinikal na trial para subukan ang may potensiyal na mga bagong gamot.
Resources
- A Patient’s Guide to Behavioral Variant Frontotemporal Dementia (PDF)
- Familial FTD
- The Association for Frontotemporal Degeneration
- The Bluefield Project/Consortium for Frontotemporal Research (CFR)
- Alzheimer’s Association
- Family Caregiver Alliance
- National Institutes of Health
Resources for Providers
- A Healthcare Provider’s Guide to Behavioral Variant Frontotemporal Dementia (PDF)
- Diagnostic criteria for behavioral variant frontotemporal dementia
- A Healthcare Provider’s Guide to the Nonfluent Variant of Primary Progressive Aphasia (PDF)
- A Healthcare Provider’s Guide to the Semantic Variant of Primary Progressive Aphasia (PDF)
- 2011 Gorno Tempini diagnostic criteria for PPA
- NavNeuro talks to Dr. Bruce Miller about behavioral variant frontotemporal dementia (bvFTD)
- Dementia Resources for Health Professionals
Participate in Research
- Frontotemporal Dementia Trial of Intranasal Oxytocin (FOXY)
- Primary Tauopathy Trial of Intravenously Infused BIIB092 (TauBasket)
- 4 Repeat Tauopathy Neuroimaging Initiative – Cycle 2 (4RTNI-2)
- Advancing Research and Treatment for Frontotemporal Lobar Degeneration (ARTFL)
- Creation of Stem Cells from Patients with FTD
- Development in Families with Frontotemporal Dementia
- Eye Movements in Dementia
- fMRI of Autonomic Physiology in FTD and AD
- Frontotemporal Dementia: Genes, Images and Emotions
- Longitudinal Evaluation of Familial Frontotemporal Dementia Subjects (LEFFTDS)
- Measuring Social Behavior in Neurodegenerative Disease
- Sleep and Cognition in Older Adults
- Clinical trials at UCSF
- ClinicalTrials.gov