Hindi tulad ng Alzheimer’s disease (AD) na apektado ang iba pang mga kasanayang kognitibo at ang kakayahang mamuhay nang nakapag-iisa, ang mild cognitive impairment (MCI) ay tumutukoy sa mga kakulangan sa memorya na hindi gaanong nakakaapekto sa araw-araw na pag-function. Maaaring minimal hanggang hindi gaanong malubha at hindi gaanong napapansin sa indibidwal ang mga problema sa memorya. Natutugunan ang problema sa memorya sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga paalala at pagtatala. Hindi tulad ng AD na unti-unting humuhina ang kognisyon, maaaring manatiling walang pagbabago sa problema sa memorya ang mga may MCI sa loob ng maraming taon. Gayunpaman, ilang indibidwal na may MCI ang nagkakaroon ng mga problema sa kognisyon at functional na kapansanan tulad ng sa AD. Patuloy pa ring sinisiyasat kung sakit na naiiba sa AD o napakaagang yugto ba ng AD ang MCI.
Nakasalalay ang diyagnosis ng MCI sa katunayang matagumpay na nagagawa ng indibidwal ang lahat ng karaniwan niyang aktibidad, nang mas kaunti ang tulong ng iba kaysa dati.
Ano ang Nangyayari sa MCI?
Kadalasan, ang mga reklamo sa MCI ay may kinalaman sa pag-alala ng mga pangalan ng mga taong nakilala nila kamakailan, problema sa pag-alala sa daloy ng pag-uusap, at dumadalas na pag-iwan ng mga bagay kung saan-saan, o mga katulad na problema. Sa maraming kaso, malay ang indibidwal sa mga problemang ito at tutugunan niya ito sa pamamagitan ng pagdepende sa mga tala at kalendaryo. Ang mga ito ay kapareho ngunit hindi sinlala ng mga natuklasang neuropsycholohikong problemang nauugnay sa Alzheimer's disease. Sa ilang kaso, maaaring mahirapan nang bahagya ang pasyente sa mga araw-araw na gawain, tulad ng paglilibang.
Dapat isama sa medikal na pagsusuri ang masusing pagsisiyasat ng mga reklamo sa memorya, kabilang ang uri ng impormasyon ang nakakalimutan at kung kailan, ang tagal ng problema, at kung may iba pang mga problema sa kognisyon (mga problema sa organisasyon, pagpaplano, visuospatial na kakayahan, atbp.). Dapat malaman ng doktor ang kasaysayang medikal ng pasyente, ang mga iniresetang gamo, atbp. Dahil maiuugnay sa depresyon ang mga subhetibong reklamo sa memorya, laging kakailanganin ang pagsusuri para sa mga sintomas ng depresyon. Depende sa mga resulta ng ebalwasyong ito, maaaring kailanganin ang karagdagang pagsusuri, kabilang ang pagsusuri ng dugo at imaging ng utak. Ang pagsusuring ito ay tulad ng isinasagawa sa mga indibidwal na may mas malubhang problema sa memorya at nakatuon sa mas tumpak na pagtukoy ng problema at paghahanap ng mga medikal na kondisyon na maaaring may epekto sa utak (mga impeksiyon, kakulangan sa nutrisyon, mga sakit na autoimmune, mga side effect ng gamot, atbp.). Karaniwang kailangan sa medikal na kasaysayan ang pakikilahok ng isang maalam na impormante.
Maaaring isama sa karagdagang ebalwasyon ang neurosikolohikong pagsusuri para maitala nang obhetibo ang anumang kakulangan sa memorya at para masuri ang kalubhaan nito. Bagama't hindi ginagarantiya ng normal na performans sa neurosikolohikong pagsusuri na hindi magkakaroon ng dementia ang indibidwal, ipinahihiwatig ng kasalukuyang datos na positibo kahit paano para sa susunod na ilang taon ang mga normal na resulta.
May kaugnayan ang ilang partikular na feature sa mas mataas na posibilidad ng progresyon mula MCI tungong Alzheimer's. Kabilang dito ang pagkumpirma ng isang maalam na impormante (tulad ng asawa, anak, o malapit na kaibigan) sa mga problema sa memorya, hindi magandang performans sa obhetibong pagsusuri ng memorya, at anumang pagbabago sa kakayahang magawa ang mga araw-araw na gawain, tulad ng mga may kinalaman sa libangan o pananalapi, pagtugon sa mga emerhensiya, o pagtitiyak sa personal na kalinisan.
Are There Medications to Treat MCI?
Walang partikular na gamot para sa MCI sa kasalukuyan. Inaasahang susubukan din sa mga pasyenteng may MCI ang mga nadebelop na mga bagong interbensiyong medikal para sa Alzheimer's disease. Kung magpapakita ng kapaki-pakinabang na epekto sa pagpapabagal ng pagkasira ng kognisyon ang datos mula sa mga naturang trial, magiging mas mahalaga ang pagtukoy sa MCI at pagtukoy nito nang maaga. Gayunpaman, tandaan na maaaring makapinsala sa memorya ang ilang gamot, lalo na sa matatanda. Halimbawa ng mga ito ang Valium®, Ativan®, Benadryl®, Tylenol PM®, Advil PM® (parehong naglalaman ng Benadryl®), Cogentin® at marami pang iba. Mahalaga ang napakaingat na pagtatasa ng mga gamot kapag isinasaalang-alang ang diyagnosis ng MCI.
Pangkalahatang inirerekomenda sa mga indibidwal na nag-aalala tungkol sa kanilang memorya na talakayin ang mga alalahaning ito sa kanilang mga taong malapit sa lanila (kaibigan, asawa, anak, atbp.), pati na rin sa kanilang doktor. Kadalasang nakatutulong sa proseso ng ebalwasyon ang pagsasama ng impormante sa labas sa appointment sa doktor.
Resources
- A Patient’s Guide to Mild Cognitive Impairment (PDF)
- Forgetfulness: Normal or Not?
- Noticing Memory Problems? What to Do Next
- What Is Mild Cognitive Impairment?
- The Alzheimer’s Association
- Alzheimer’s Disease Education and Referral (ADEAR) Center
- Find an Alzheimer’s Disease Center (ADC)
- Family Caregiver Alliance
Resources for Providers
- A Healthcare Provider’s Guide to Mild Cognitive Impairment (PDF)
- The Diagnosis of Mild Cognitive Impairment due to Alzheimer’s Disease: Recommendations from the National Institute on Aging-Alzheimer’s Association Workgroups on Diagnostic Guidelines for Alzheimer’s Disease
- Dementia Resources for Health Professionals
Participate in Research
- ADRC: New Approaches to Dementia Heterogeneity
- Alzheimer’s Disease Neuroimaging Initiative (ADNI)
- Brain Aging in Veterans (BRAVE)
- Creation of Stem Cells from Patients with FTD
- Eye Movements in Dementia
- IDEAS: Imaging Dementia – Evidence for Amyloid Scanning
- Longitudinal Brain Aging Program
- Longitudinal Early-Onset Alzheimer’s Disease Study (LEADS)
- Measuring Social Behavior in Neurodegenerative Disease
- Speech and Language Therapy in Primary Progressive Aphasia
- Clinical trials at UCSF
- ClinicalTrials.gov