Lecanemab

Noong Enero 6, 2023, iginawad ng Food and Drug Administration (FDA) ang "accelerated approval" sa lecanemab (ibinebenta bilang Leqembi™) para sa paggamot sa mga taong nasa pinakamaagang sintomatikong yugto ng​​​​​ Alzheimer’s disease. Ang gamot na ito ay isa sa mga unang disease-modifying na terapiya na inaprubahan para sa paggamot ng Alzheimer's disease sa Estados Unidos.

Ang Lecanemab ay magagamit na ngayon sa klinika sa UCSF para sa mga pasyenteng may sintomas sa mga unang yugto ng sakit, na makikita sa Memory and Aging Center. Nagsasagawa ang UCSF ng pananaliksik sa mga potensiyal na benepisyo ng lecanemab para sa pag-iwas sa Alzheimer's disease bilang bahagi ng AHEAD Study.

Karagdagang impormasyon tungkol sa lecanemab at pag-apruba nito

Ano ang lecanemab?

Ang lecanemab ay monoclonal antibody (protinang tumutulong sa iyong sistema ng imunidad na alisin ang target na mga protina), at ginawa ito para alisin mula sa utak ang protinang tinatawag na amyloid beta. Ang amyloid beta ay mahalagang protinang kasangkot sa paglubha ng Alzheimer’s disease. Inaadminister nang intravenous (sa daluyan ng dugo) ang lecanemab tuwing 2 linggo. Hindi nilulunasan ng Lecanemab ang Alzheimer's disease, ngunit kahot paano ay pinababagal nito ang rate ng paglubga sa mga pinakamaagang yugto ng Alzheimer's disease. Sa isang malawakang klinikal na pag-aaral, pinabagal ng lecanemab ang rate ng paglubha ng sakit nang tinatayang 20-30% pagkatapos ng 18 buwang gamutan sa mga pasyenteng may maagang sintomas ng Alzheimer's. Nagresulta ito sa humigit-kumulang 6 na buwang pagkaantala ng paglala ng sintomas pagkatapos ng 18 buwan ng tuloy-tuloy na gamutan.

Ano ang ibig sabihin ng “pinabilis na pag-aproba”?

Ang Lecanemab ay may "pinabilis na pag-aproba" (accelerated approval) mula sa FDA, na naiiba sa tradisyonal na ganap na pag-apruba ng FDA. Kung minsan, nagbibigay ang FDA ng espesyal na pinabilis na pag-aproba na ito para sa mas maagang akses sa mga gamot para sa mga malalang sakit na limitado ang alternatibong mga opsiyon sa paggamot. Iginagawad paminsan-minsan ang pinabilis na pag-aproba sa mga gamot na malinaw na nagpapahusay sa mga pag-aaral sa laboratoryo o imaging ng isang sakit, kahit na hindi pa ganap na tukoy ang mga epekto ng gamot na iyon sa mga sintomas ng sakit. Nakabatay ang pinabilis na pag-aproba ng lecanemab sa mga pag-aaral sa brain imaging na nagkikumpirma sa kakayahan nitong alisin ang mga amyloid beta plaque mula sa utak. Sa malapit na hinaharap, susuriin din ng FDA ang mga resulta ng isang kamakailang malawakang klinikal na trial na nagpapatunay sa klinikal na benepisyo ng lecanemab sa mga pinakamaagang sintomas ng Alzheimer's disease. Ang mga resulta ng bagong malawakang trial ay inihayag noong Nobyembre 2023 at samakatuwid ay hindi kasama sa kasalukuyang desisyon ng FDA, na batay sa mga unang yugto ng trial ng gamot. Batay sa kanilang pagsusuri, maaaring magpasiya ang FDA na ganap itong pagtibayin, ang tradisyonal na paraan ng pag-aproba ng gamot para magamit ng pasyente. Inaasahang tatagal ng tinatayang 6 na buwan ang prosesong ito.

Sino ang dapat isaalang-alang ang paggamot na may lecanemab?

Ang Lecanemab ay dapat lamang isaalang-alang para sa paggamit sa mga taong may biomarker-confirmed diagnosis ng Alzheimer’s disease sa pinakamahina nitong sintomas na mga yugto. Maaaring kabilang dito ang mga taong may mga sintomas na pare-pareho sa banayad na kapansanan sa pag-iisip o ang pinakaunang mga yugto ng demensya. Walang katibayan na ang lecanemab ay kapaki-pakinabang para sa mga taong walang mahinang cognitive impairment o banayad na dementia. Bago ang mga gamot tulad ng lecanemab ay maaaring isaalang-alang para sa paggamit, ang isang doktor ay dapat makakita ng ebidensya ng utak na akumulasyon ng mga protina ng Alzheimer's disease na may alinman sa isang lumbar puncture (kilala rin bilang isang spinal tap) o isang espesyal na pag-scan sa utak na tinatawag na amyloid beta positron emission tomography (PET) i-scan. Nakakatulong lang ang Lecanemab para sa pag-alis ng mga amyloid protein at hindi dapat gamitin sa mga pasyenteng na-diagnose na may iba pang kundisyon na nagdudulot ng kapansanan sa pag-iisip at dementia (hal., Lewy body dementia, vascular dementia, frontotemporal dementia, Parkinson’s disease). Ang mga taong nagdadala ng partikular na bersyon ng gene na tinatawag na APOE-ε4 ay nakakaranas ng mas mataas na panganib ng mga side effect mula sa lecanemab. Ang pagsubok para sa gene na ito ay kinakailangan para sa lahat ng mga pasyente na isinasaalang-alang ang paggamot na may lecanemab.

Bago isaalang-alang ang paggamot para sa Alzheimer's disease, ang isang tao ay dapat munang humingi ng pangangalaga mula sa isang espesyalista na may kadalubhasaan na kinakailangan upang makumpleto ang isang naaangkop na pagsusuri sa diagnostic. Ang UCSF Memory and Aging Center Clinic ay isa sa maraming mga sentro na may kadalubhasaan sa pag-diagnose ng Alzheimer's disease.

Ano ang mga potensiyal na risk ng lecanemab?

Sa isang malawakang klinikal na trial, 1–2 sa 20 pasyente ang huminto sa paggamit ng lecanemab dahil sa lumitaw na mga bagong sintomas nang simulan ang paggamot.

Mga reaksiyon sa infusion: Ang pinakakaraniwang side effect ng lecanemab ay isang reaksiyon sa infusion, na naranasan ng mas mababa nang kaunti sa 1 sa 3 pasyente, kadalasan pagkatapos ng unang dosis. Kaugnay rito ang mga tugon ng imunidad sa mga gamot na inadminister sa pamamagitan ng dugo na kinabibilangan ng mga pagbabago sa presyon ng dugo, mga pagbabago sa paghinga, mga pagbabago sa balat, lagnat, at panginginig. Bagama't mapanganib ang mga reaksiyon sa infusion, madaling magamot at hindi malala ang karamihan sa mga reaksiyong nauugnay sa lecanemab.

ARIA: Tinatayang 2 sa 10 tao na tumatanggap ng lecanemab ang nagkakaroon ng mga pagbabago sa utak na tinatawag na amyloid-related imaging abnormalities (ARIA), na kinabibilangan ng pagdurugo ng utak, pamamaga ng utak, o kombinasyon ng dalawa. Ang mga taong may espesipikong bersiyon ng gene na tinatawag na APOE-ε4 ay partikular na madaling magkaroon ng ARIA, lalo na kapag mayroon silang dalawang kopya ng bersiyon ng gene na ito. Isa lamang sa 5 tao na nagkakaroon ng ARIA mula sa lecanemab ang nakakaranas ng mga sintomas (pinakakaraniwan ang pananakit ng ulo, pagbabago sa paningin, at pagkalito). Nakikita ang mga pagbabago sa ARIA sa magnetic resonance imaging (MRI) na mga scan ng utak. Tinatayang 1 sa 10 pasyenteng may ARIA ang may malubhang pagbabago sa MRI na mga scan ng utak, bagama't nangyayari ang mga malubhang sintomas at komplikasyon sa mas mababa sa 1 sa 100 mga pasyenteng may ARIA. Dagdag pa, nawawala sa loob ng 3–4 na buwan ang karamihan (7–8 sa 10 kaso) ng ARIA na dulot ng lecanemab.

Anticoagulation: Dahil sa risk ng pagdugo na may kinalaman sa lecanemab, hindi namin inirerekomenda sa kasalukuyan na sumailalim dito ang mga taong gumagamit ng malalakas na blood thinner (“anti-coagulants”). Sa ngayon, iilan ang namatay dahil sa pagdurugo ng utak ng mga pasyenteng ginagamot ng lecanemab, kabilang ang isang taong namatay pagkatapos makatanggap ng isang "clot-busting" na gamot para gamutin ang stroke.

Dapat na lubusang isaalang-alang ang mga potensyal na risk at benepisyo ng lecanemab sa bawat tao. Ang ilang pasyenteng may Alzheimer's disease ay maaaring hindi kalipikado sa paggamot ng lecanemab, dahil sa mga alalahanin ng kanilang doktor tungkol sa kanilang indibidwal na pagsusuri ng mga posibleng risk at benepisyo ng paggamot. Dagdag pa bago at pagkatapos simulan ang lecanemab, dapat makatanggap ng espesyal na pagsubaybay ang mga pasyente (kabilang ang magnetic resonance imaging [MRI] na mga scan ng utak) para ma-screen para sa ARIA. Maaaring ihinto ang paggamot ng lecamemab batay sa mga natuklasan ng MRI.

Ano ang kaibahan ng lecanemab sa aducanumab

Ang Aducanumab (ibinebenta bilang Aduhelm) ay gamot na may mekanismong tulad ng sa lecanemab, ngunit tina-target nito ang ibang bersiyon ng amyloid beta at maaaring hindi gaanong epektibo sa pag-alis ng amyloid beta sa inirerekomendang dosis nito. Dalawang malawakang trial ng aducanumab sa maagang sintomatikong Alzheimer's disease ang hindi na ipinagpatuloy, at ang isang trial ay hindi nagpakita ng benepisyo sa mga sintomas. Dahil ang aducanumab ay kasalukuyang may pinabilis na pag-aproba ng FDA, ang kontrobersiya sa pag-aprobang ito ay nagresulta sa isang pormal na pagsisiyasat sa kongreso. Nananatiling limitado ang saklaw ng klinikal na paggamit ng Aduhelm dahil sa hindi malinaw na ebidensiya ng klinikal na benepisyo at kakulangan ng coverage ng karamihang tagaseguro.

Susunod na mga hakbang

Kung ikaw o ang iyong mahal sa buhay ay nag-aalala tungkol sa mga bago at progresibong alalahanin sa memorya o pag-iisip, wika, o pag-uugali, ang unang pinakamagandang hakbang ay ang kumunsulta sa isang doktor at partikular na isaalang-alang ang isang referral sa isang neurologist. Kung partikular kang interesado sa pagtanggap ng diagnostic assessment at pangangalaga sa UCSF, mangyaring makipag-ugnayan sa UCSF Memory and Aging Center Clinic para sa gabay sa paghahanap ng referral.